Tungkol sa KST
Ang kampanyang ito ay naglalayon na isulong ang paggamit ng mga alternatibong produkto bukod sa plastik, lalo na ang mga sachet o tingi-tinging produkto. Binibigyang pansin ang mga sari-sari store, isang Kuha sa Tingi ang daan para sa mas malinis na siyudad.
- Layunin naming gawing abot-kaya ang mga alternatibong produkto para sa mas maraming tao.
- Kami ay nakikipag tulungan sa mga suppliers at manufacturers upang mapababa ang presyo.
Nag-aalok kami ng mga alternatibong produkto na abot-kaya at de-kalidad. Sumusuporta ka sa kampanya para sa mas malinis na kapaligiran at pamumuhay.
Tungkol sa Starter Pack
Kunin ang mga detalye ng mga interesadong store owners at ibigay ito sa ating mga community managers (Daisy at Marjorie)
- Pagiging isang sari-sari store owner o interesadong pumasok sa negosyo at magbenta ng mga produktong ito.
- Pagsang-ayon na sumali sa kampanya ng paggamit ng alternatibong produkto at pagtangkilik sa mas malinis na kalikasan.
Tungkol sa Refilling
- Tinatanggap ang mga order sa pamamagitan ng pagtawag o pagbisita ng KST representative sa tindahan.
- Iniipon at pinagsasama-sama ang mga order;
- Kinukumpirma ang mga order sa pamamagitan ng tawag o text message.
Maaaring makipag-ugnayan sa aming mga community managers kung gustong bumili ng marami.
- Pwede: Maaaring magdala ng gamit na malinis na bote.
- Bawal: Mga pinaglalagyan ng nakakalasong bagay, muratic acid, sosa, o anumang bagay na masama sa katawan o nakamamatay.
Starter Kit Care
- Huwag pagpalitin o i-share ang mga lagayan.
- Panatiliing malinis lalo na ang pumps at hawakan.
- Huwag iwang nakabukas ang lagayan.
- Alamin kung kailan huling nilinis at lagyan ng paalala kung kailan ito kailangan linisin muli.
- Linisin ang mga pumps at lagayan.
- Ibabad sa Hydrogen Peroxide (3%) sa loob ng 10-15 minuto, banlawan, at hayaang matuyo sa isang malinis na lugar.
- Puwede ring mag-spray ng Isopropyl Alcohol (70%) at hayaan itong matuyo sa isang malinis na lugar.
- Alisin ang takip o pump.
- Banlawan gamit ang malinis na tubig.
- Gumamit ng sponge o brush para mas linisin ang labas at loob ng lagayan gamit ang tubig at sabon.
- Banlawan ang sabon gamit ang malinis na tubig.
- Punasan ang lagayan gamit ang malinis na tela o tuwalya.
- Protektahan mula sa sinag ng araw.
- Huwag hayaang direktang matamaan ng sinag ng araw ang mga lagayan. Ang mahabang oras sa direktang sinag ng araw ay maaring maka-apekto sa kalidad ng produkto.
- Panatilihing tuyo.
- Ilagay ang mga lagayan sa isang tuyong lugar, lalo na pag maulan. Ang pagkabasa ay maaring makasama sa produkto at maaring mabawasan ang epekto nito.
- Siguraduhing sarado ang takip.
- Isarado ng mahigpit ang takip para hindi pasukan ng dumi.
- Alisin ang pump o pambomba at hugasan ng mabuti upang maalis ang sealant sa pump.
- Alisin ang ulo ng pump o pambomba sa katawan nito.
- Alisin ang nasa loob na spring at linisin ang anumang sealant at hibla galing sa spring at bariles.
- Dahan-dahang alisin ang ulo ng piston assembly (mag-ingat na huwag mawala ang maliit na check ball sa ulo ng assembly)
- Alisin ang check ball mula sa ulo ng assembly. Linisin ang mga hibla na nakapulupot at hugasan gamit ang tubig. Tandaan na kapag mawala ang check ball ay hindi gagana ang pump.
- Hugasan ang ang ulo ng pump hanggang sa may lumabas na tubig rito. Banlawan ang piston assembly sa tubig.
- Maingat na ibalik ang check ball sa piston assembly at ibalik ang ulo ng piston assembly.
- Ipasok ang piston assembly sa bariles.
- Ipasok at higpitan ang takip